Sunday, June 26, 2005

life in UPD

Thank God I survived my first year in college at di lang yun, binigay Nya pa sa’kin yung wish ko na makalipat sa UPD. Oo, nasa Diliman na nga ako ngayon pero sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko para lang makapag-enroll. Hay… grabe talaga yun.

Last June 2, day ng enrolment namin sa UPM, habang nasa Tokyo Tokyo kami ng FRAT, nalaman ko na may slot na para sa’kin sa Food Tech. So nagmamadali akong pumunta sa Diliman that time. Then, kinabukasan, after namin magpunta sa DOST for that tiring contract signing, punta naman ako sa UPM para magpa-clearance. Hindi ko inakala na ganun kahirap kumuha ng clearance. Ang sakit talaga sa paa pa’no ba naman kinailangan kong mag-akyat baba sa hagdan para mahagilap ang mga taong dapat pumirma sa clearance. Syempre di ko yun agad natapos that day so bumalik pa ako ng Monday. Pasaway pa dahil absent nun si Ma’am Sioco kaya di mapirmahan yung Univ. clearance ko, buti na lang andun si ma’am Boncan at sya na lang pumirma. Natapos ko na lahat yun that day although medyo muntik na kong masaraduhan sa registrar kasi nagmamaganda yung mga nasa OCS. Pero anyway, natapos ko lahat ng dapat kong gawin sa UPM that day. Kinabukasan ulit, sa UPD naman ako naglakad ngpapers. First day na ng klase yun eh (june 7) pero wala pa akong form 5! Nung araw na yun, sa isang prof lang ako nakapagprerog. Medyo nawiwindang na talaga ako nun kasi wala yung ibang prof kasi nga first day. Thurs., FS 101 pa lang nga ang na-e-enlist ko at syempre pumasok ako dun. After nung class ko, nag-text si Tin at sinabi nya na may slot pa sa Geog1 nya. Pinuntahan ko nga yung prof nya at nakapag-enlist naman ako. Tapos nag-prerog din ako sa math 17 ni Jec dahil wala ng slot sa Math 14 (5 sections lang kasi) at successful naman. So Friday, kinausap ko ung prof sa Kas2 at mabuti na lang at mabait sya at inenlist nya ako, medyo worried pa nga sya eh kasi baka daw wala pa akong ibang subjects pero sabi ko isa na lang nga kulang ko. Pagkatapos ng klase namin sa Kas2 nagpunta na ako sa CAL para sa Comm3 at nakakuha naman ako kaso Filipino pero ok na rin kaysa underloaded ako. Yun ung nangyari sa’kin sa first week ko sa UPD, medyo nakakapagod pero ok naman kasi tinulungan talaga ako ng high school barkada ko.

Three weeks na nga ang lumipas mula nung start ng klase at so far, so good. Hindi pa naman ako masyadong nahihirapan at masaya dahil may mga na-meet na akong bagong friends. The sad part is… nami-miss ko talaga yung FRAT at ang UPM. Sobrang nalulungkot ako lalo na kapag dumadating yung time na mag-isa lang ako nung nasa UPM kasi ako hindi ko naranasan na mag-isang maghintay ng susunod na klase. Magpapakatotoo na ako ngayon, sobrang nami-miss ko talaga yung closest friend ko sa UPM. Nakakaasar talaga kasi masyado akong nasanay na palagi kaming magkasama at magka-usap, e ngayon ni hindi na kami nagkikita. Nakakalungkot isipin na meron kang kelangang isakripisyo para makuha mo yung gusto mo at yung tao pang ayaw mong I-give up yung kelangang mapalayo sa’yo. Tama na nga, naiiyak lang ako e.


As of now, masaya din naman ako kasi kasama ko pa rin yung barkada ko at mga classmates ko nung high school. Siguro makakaya ko rin ‘tong pangungulila ko sa FRAT lalo na’t alam kong magkikita-kita pa rin naman kami at may way pa rin naman para magkausap kami. Sana hindi nila ako makalimutan at sana maging ok din sila dun kahit na kulang na sila ng dalawa dahil si Grace ay nasa Diliman na rin. Sobrang naging masaya at worthwhile yung first year ko dahil sa kanila.