Tuesday, November 22, 2005

im afraid...

wla lang, kanina nagpacheck up ulit ako...wahhh... ndi pa ako magaling, may iuundergo na naman akong test...

natatakot na naman ako...sana ok lang kalabasan nung test... ayoko sa ospital, ewan ko basta ayoko dun!

waahhh... sana andito ka para icheer up ako... kaw lang kasi, ahhhh ayoko na!

hangang kelan ka ba magiging ganyan???? napapagod na akong maghintay....

Tuesday, October 25, 2005

wish....

may wish lang ako ngayong mga oras na ito... ano un?

isa lang naman eh... un ung makausap sya...

sobrang nami-miss ko na talaga... these past few days... masyado ko syang naiisip... hindi ko lam kung ano dapat kong gawin... nahihirapan na talaga ako... bakit ba kasi biglang naging ganito?

wahhh.... sana may mabait na taong mag-grant ng wish ko... ayoko na rin kasi umiyak eh...

miss na talaga kita sobra.... :(

Monday, October 17, 2005

rehab!

naaliw ako sa sinabi sakin kanina ng doktor...hehehe...dapat daw akong ipa-rehab...ang saya dba? pero hindi naman dahil adik ako eh. Meron daw kasi akong mild scoliosis. 10 degree ung curvature. di naman daw malala. kelangan ko lang magpagamot sa physical therapist at ayun maaayos pa naman daw.

wala lang. masaya lang ako ngayon kasi ngayong araw na to, nalaman ko kung sino ung mga taong concerned talaga sakin... nakakatuwa talaga... ang saya pa sa upm kanina kasi nagpunta kami sa g-box. na-miss ko yun eh. at sa tokyo-tokyo na sobrang memorable sakin.

anyway, un lang muna. :-)

Wednesday, September 28, 2005

...ups and downs...

naaaliw talaga ako sa mga nangyayari sakin ngayon... ang daming hindi magandang mga bagay ang nangyayari pero mas madami ung mga masasayang bagay sa buhay ko.

nung isang gabi, hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagdrama... (nagdrama ko dahil naalala ko si.... hay naku kasi...) buti na lang nandyan si Lee to rescue me from my loneliness... ayus talaga sya kasi sa kanya ko nakakakuha ng mga inspirational words to brighten up my mood...sabi nya sakin alalahanin ko daw ung memories para maging masaya ako at hindi para lalo akong madepressed....astig talaga sya!

aside from Lee, andun din ung astig na guy sa dlrc...hehehe...si ----....hehehe.... ang cute nya magsayaw kagabi... astig talaga! ang saya pa nyang tao...waahhhh.... sya ung isa sa nagpapasaya sakin sa mga times na sumasakit na yung ulo ko sa mga subjects ko... natutuwa talaga ko kapag nakikita ko sya at ang smile nya... kahit ndi kami masyado nag-uusap, masaya na rin kasi binabati nya ko pag nagkikita kami...

at eto pa....un pang mysterious guy na lagi kong nakakasabay sa peyups... wla lang bigla kasi syang lumilitaw sa mga unexpected na pagakataon eh... tapos kagabi nakita ko din sya ulit at kasama din sya sa mga nagsayaw....kelan ko kaya sya makikilala???

ang saya talaga!!! with my friends and these three guys, nalilimutan ko ung pagkamiss ko sa isang taong sobrang importante sakin....kelan ko kaya sya ulit makakausap? miss na talaga kita!!! sana masaya ka sa buhay mo ngayon....

Friday, September 16, 2005

bakit ba kailangang mahirapan ng ganito???

pahirap talaga ang math 17! sobra ng pahirap, patalsikin si --------....hahaha...joke lang! pero grabe talaga ung exam namin kanina sa math 17 nakakadugo ng utak sobra! ewan ko ba kung bakit sobrang pinahihirapan kami ng prof namin.... bwisit na identities yan oh! ginawa kasi nyang kumplikado ang mga bagay eh...

anyway, excited na ko para sa uaap cheerdance competition tomorrow...watch out for the up pep squad! ang saya talaga...

miss ko na barkada ko sa upm...sayang kasi hindi sila lahat makakapunta sa araneta bukas...nakakamiss talaga lalo na nung tumawag si abet sa'kin kasi naririning ko yung mga boses ng ibang frat tapos parang ang saya-saya nila...nakakamiss lang kasi ung mga ganong moments eh...hayyy...tapos may galit pa ata sa'kin...sana maayos pa to...sobrang miss ko na rin kasi sya...

tama na ang drama...basta GO UP PEP SQUAD! HETO NA ANG UP! WALANG TATALO SA GALING, WALANG KATULAD ANG DATING!!!!

Wednesday, September 07, 2005

errrr....

hay naku sorry sa mga nagbabasa ng blog ko ha...kelangan ko lang talagang ilabas lahat ng sama ng loob ko sa isang taong sobrang importante sa kin...

hay naku...bwisit talaga sya!!! I HATE YOU!!!! kasi sana kung galit sya sakin sinabi na lang nya eh o kaya sana hindi na lang sya nagsalita kasi mas kakayanin ko pa un eh... pero the fact na binastos nya ako sa harap ng friend ko???...tama ba naman un??? oo siguro para sa kanya wala lang yun pero nakakainis talaga eh... hindi ko nga man lang alam kung bakit hindi nya ako kinakausap ng matino eh...kung dahil lang sa isang bagay na dapat ginawa ko pero hindi ko ginawa, shit pre ang babaw nun!!! isa pa ilang beses na akong nag-apologize dahil dun at akala ko naman ok na sa kanya... shocks... how i wish alam ko kung bakit dba? pra hindi ako nagmumukang tanga at nababastos ng harap-harapan!!!

ang ayoko lang kasi sa lahat eh sinasagot ako ng pabarang lalo na kung maayos yung pagtatanong ko... ewan ko ba... cguro nga nag-oover react ako sa paningin ng iba pero peste naman eh, cno bang hindi maiinis sa attitude na pinakita nya... parang hindi kami magkaibigan eh...errrr... gusto ko na talaga sya i-confront kanina pero damn it i wouldnt waste my energy to someone who doesnt even know how to respect other peoples feelings...

bahala na sya sa buhay nya, ako kasi nagawa ko na yung part ko... i tried to reach out kahit napapahiya na ako kasi ayokong masayang ng ganun-ganon na lang ung friendship eh... pero ayoko na... kung ayaw nya talaga ako kausapin bahala sya sa buhay nya... ngayon lang ako napuno ng ganito eh... as in sobrang gusto kong sumigaw at isumpa sya...

sana talaga hindi ko na lang sya nakita kanina para hindi na lang ako naasar... basta ako hindi na kita iisipin at mag-aaral na lang ako dahil dun may mapapala ako kaysa naman ... NAGPAPAHALAGA AKO SA ISANG TAONG BINABALEWALA LANG AKO!!!!!!!!!!


ULAN (CUESHE)

Lagi na lang umuulan
parang walang katapusan
tulad ng paghihirap ko ngayon
parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
na limutin ka
ay di pa rin magawa

Hindi naman ako tanga
alam ko na wala ka na
pero mahirap lang na tanggapin
di na kita kapiling
iniwan mo akong nagiisa
sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero hwag mag-alala
di na kita gagambalain
Alam ko naman ngayon may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa'yo
na tuwing umuulan
maalala mo sanang may nagmamahal sayo.....

Lagi na lang umuulan
parang walang katapusan
tulad ng paghihirap ko ngayon
parang walang humpay
Iniwan mo akong nagiisa
sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero hwag magalala
di na kita gagambalain
alam ko naman ngayon
may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa'yo
na tuwing umuulan
maalala mo sanang may nagmamahal sayo....ako
LaLaLaLaLaLa..........

Sunday, September 04, 2005

senti...

hay naku grabe na talaga ito...last time ang saya ko tapos ngayon eto na naman ako at nagsesenti...kasi naman feeling ko nagtatampo pa rin sya sakin...hindi ko naman ginusto ung nagyari eh...feeling ko tuloy ayaw nya na ko kausapin...ano ba dapat kong gawin? kasi naman eh...ang lakas nya topakin... eh ako nga madalas ko sya naiisip kasi sinanay nya ako sa isang bagay na eventually ay mawawala din pala... bakit ba kasi masyado akong attached sa kanya eh... pero hindi ko naman gusto un eh, hindi ako ung lumapit at nakipag-close...hayyyy....

anyway, ung tula sa last entry ko ginawa ko yun nung aug.23 sa main lib sa upd kasi wala akong magawa at syempre kapag wala akong magawa ay nagsesenti ako...hehehe...ginawa ko un para sa kanya kasi nga namimiss ko na sya... sabi ng friend ko sabi nya daw namimiss nya din ako pero ewan ko sa kanya kung bakit sya ganon... cguro nga nagtatampo lang sya... gusto ko na nga sya i-confront eh pero hello? i know i dont have the courage to do that again...tama na...

Thursday, September 01, 2005

para sa'yo to!

HOW I WISH

Now I sit here all alone
Got nothing to do but reminisce
I cant help but think of you
Oh, how i wish you were here.

I miss your smiles and your laughs
I miss your stories and your sighs
Those memories I'd keep forever
Oh, how i wish we could be together.

You came into my life just at the right time
Just when i was about to give up
You cheered me up and i was glad
And now i wish that youre here by my side.

You made me see the beauty of life
You made me appreciate its ups and downs
My life is worth living coz youre a part of it
And i do wish that i'm part of yours too.

Now im wishing too hard
That we could bring back the okd times
When you were there always beside me
And i was hoping that these wishes can come true.

Sunday, August 14, 2005

i dont know why!

hay....eto na naman ako....may iniisip na bagay at tao...ewan ko nga ba kung bakit pero...he's really into my system right now... hindi ko talaga sya mainitndihan...simula nung nakilala ko sya confusion ang dinala nya sakin...hay, hindi ko sya dapat iniisip pero kasalanan nya to eh...nakakainis talaga sya...bakit ba kasi ganun sya? i only want to know one thing from him pero ayoko nga itanong... masyadong malaki ung risk this time and i think its not worth risking... mas hindi ko kakayanin pag wala sya... pero alam ko namang dahil lang to sa desisyon ko eh... pero ganun talaga... basta, ewan... sana maging masaya ung ending... maybe this song will tell you how i feel right now... ahhhh...ayoko ng ganito!

CONSTANTLY
NINA
I knew it was there
Though I tried to hide it
The feeling just kept on shining through
Haven’t known you that long
So I try to deny it
But the feeling was much
Too much too strong
Could this be love
Deep down inside
Tearing me apart
I feel it in my heart

CHORUS:
Constantly, you’re on my mind
Thinking about you all the time
I can’t sleep no matter what I do
I just keep on thinking ‘bout you

Why do I feel this way
When I know you have someone
That you’re seeing in each and everyday
Should I play this game
Of just being your friend
When I know that’s not where
I want it to end
How could this be wrong
When the feeling so strong
Tearing me apart
I feel it in my heart
::Repeat Chorus 2x

No I don’t want to start
No trouble
Between you and I and your lover
But I must tell you what I’m going through
Everytime you walk by I see
love in your eyes
::Repeat Chorus 2X


Wednesday, August 10, 2005

baliw!!!

hay naku bat ba may mga taong sobrang weirdo???

nakakaasar kasi hindi mo maintindihan takbo ng utak nila....

baliw talaga sya....

minsan sobrang bait at sweet...

minsan di ko malaman kung may pms (joke!)

ano ba talaga kuya???

papahulog na kita sa bangin ng matauhan ka eh...

hay naku...nakakainis ka talaga!

Tuesday, August 02, 2005

TORN!

I can't help it... just enjoy (how i wish) reading it!

Sometime in our lives, we get to the point where we are required to choose and to make decisions. The time when we don’t have any other choice but to choose between the choices placed down before us. During these times, we have to look inside ourselves and make a decision based on what we think might work best. Doing decision is not an easy thing to do, it requires a lot of thinking and balancing the choices given to you. But sometimes, we have to sacrifice something when we’re torn between the choices. It’s not just you sacrifice it for a day or two but sometimes we have to really give it up.

Sometimes we have to choose between our family and our own happiness. I really think that this is such a great decision that one has to face. Most people sacrifice their own happiness for their family. I think that was just right but then you cannot just give up your own happiness because you will soon regret regretting your own self. I think this is just a matter of choosing which or who to prioritize first and how much attention you should give to each thing or person. But who am I to know how it really feels to be in this situation. I don’t know, maybe I’m telling all these things…

Sometimes we have to choose between our career and friends. What I mean here is that sometimes we have to sacrifice the time we have for our friends in order for us to reach our dreams. Based on my experience, it’s hard at first especially when you have to go away from your friends just to follow your dreams and aspirations in life. Eventually I realized that your friends will be there whenever you need them and distance would not be a hindrance for you to still bond with each other. What I am really thankful for is that God had given me friends who really supported me in finding myself, in letting me follow where dreams, in helping me overcome the obstacles that life brings, for making me happy and contented when I’m with them and most especially for making me feel that I’m important and loved. I know that without them, I may have just given up to the challenges that I face. I’m really proud of my barkadas namely PEK and FRAT for they are superb friends!

Sometimes we have to choose between our friends and the one we love. I’m glad I’ve never been in this situation. If ever I would be in this situation I would definitely choose my friends. If I chose my friends, I do hope he would fight for our love because though I would choose my friends I will still let them understand how important he is to me and I hope he would do the same too. I would really be glad if he would prove to them that he really loves me and he has to convince my friends that he would treat me right and that my friends can trust him to take care of me. But I really don’t think that my friends would let me choose between them and the person I love and I do hope that that guy would not let me choose either because when he do that… Sorry but I have to say goodbye to you because if you really love me, you should accept me as a whole and my friends as well for they are a part of me. (Hahaha…I really don’t think this would happen but who knows?)

There a lot of decision making process that we have to go through but as of now I think choosing between friendship and love is one of the hardest decision to make. After choosing between the two, you would have to think of answers to those “what ifs” that you have in mind. It’s really hard to fall for your friend especially when you’re really close to each other. You would have to face those hear-breaking moments where he tells you how happy he is with his girlfriend and how much he loves her or worst when he tells you how badly he was hurt because of their break-up. This is really one of those times when you really have to be strong for him and for yourself as well especially when you don’t want him to know that its tearing your heart. Some of my friends tell me that I shouldn’t fall for a friend and they should be off-limits. I always tell them that you could tell your heart to whom it should fall for and to whom it should not. You may tell yourself “I will not fall for him because he is my friend…” I tell you, this is easier said than done because sometimes you fall for someone you vowed never to fall for and when that happens, it’s not easy to stop the feeling. Another dilemma is whether to tell it to him or not. In this case, I think no one can tell you which to choose but your own self. It’s up for you if you are willing to risk the friendship or you are willing to bear the pain because he doesn’t know that he’s hurting you. But what’s confusing me right now is how to know if your friend already likes you. It’s really hard to tell whether he already likes you or not. What if he treats you so special compared to your other friends, does that mean that he likes you? What if his actions show that he likes you but then he has not said a word to tell you that he really likes you? What if everything shows that it’s not mere friendship but then he really never tells a word about it? What if he does things more than what a friend should do? What if he’s just too sweet to resist? I want answers!!! But I know it’s only through him that I can get the right answers but I would never ever ask him!!! Other questions that’s worrying me… What if he just treats you so well because you’re important for him as a friend? …What if you fall for him but then he just sees you as a friend?… What if... you fall for him? … And what if you tell him? … Would he just ignore it? Tell that he loves you too? Or worst, stop seeing you and let go of your friendship?…WHAT IF??? I needed someone to tell me answers to these questions…I’M TORN AND TORMENTED!

Saturday, July 16, 2005

...i ThOugHt...

I’m back to give an update about what had happened to me this week…


Naparanoid na naman ako this week kasi naman kung anu-anong naiisip ko…haaayyy…akala ko kasi pareho ung magiging reaction nila…pero sobrang maling-mali ako…bakit ba kasi ikinukumpara ko sya dun eh sobrang magkaiba nga sila…dati nung huling nangyari sa’kin to eh nung mahal ko pa si Mr. D….pero as I’ve said dati yun…(Love Moves in Mysterious Ways pa ung pinakikinggan ko ngayon…sakto).

Anyway, naging masaya yung takbo nitong week na ito kaysa last week. Actually masaya ko this week. Nung Tuesday kasi nagpunta ako sa UPM… ang sarap balikan nung memorable place na yun. Memorable kasi dun ko ginugol ung first year ko as college student… dun ako nagsimulang matuto ng maraming bagay tungkol sa college life… dun ako naging member ng 1st org ko sa college Organization of Area Studies Majors (OrgASM)… 1st crush ko sa college dun ko rin nakilala si Kuya Paolo (kasi sobrang talented nya eh)…higit sa lahat, dun ko nakilala ang FRAT kung saan nagkaroon ako ng mga kaibigan na sobrang naiintidihan ako at mahal ako…Balik sa kwento, masaya ako na makita ulit ang FRAT at makasama sila kahit sa sandaling oras lang pero feeling ko kuntento na ako nung time na yun… pakiramdaman ko kumpleto na ako kaya nga gusto ko sanang maulit yung pagpunta ko dun eh…( Burn na yung kanta, ganda ng duet nila Nina at Christian Bautista)… Ayun kwentuhan lang kami pero ang saya though medyo tinamaan ako dun sa sinabi ni ** na, “Siya nga nagawa nya tayong iwan eh, bakit di natin sya iiwan”, (hindi yan yung exact words pero yan yung thought)… pero ayos lang kasi pabiro yung pagkakasabi saka naintindihan ko naman eh… tapos yun past seven na ata kami nakaalis ni Jobelle sa 7-11 kasi kumain kaming dalawa at nagkwentuhan kasi hindi na naman ako maubusan ng kwento…basta ang saya ko nung araw na yun!

Nung Wednesday grabe may make-up class kami sa math pero ayos lang after nun nanood naman kami sa AVR para sa Kas2 namin…Dapat may practice kami nun ng sabayang pagbigkas para sa Comm3 kaso pagbalik ko hindi ko na sila mahagilap kaya tumambay na lang ako sa lib kasi nandun din si Jec. Nagbasa lang ako nung “A Walk to Remember” ni Nicholas Sparks at sobrang nakakaiyak at inspiring yung story…mas gusto ko yung book kaysa sa movie eh…Tapos yun kinwento ko kay Jec yung nangyari sa UPM at yung ka-weirduhan kong ginawa at sabi nya sa’kin sana sya rin daw maging expressive through words…

Tapos nung Thursday, nanood kami ng play ng Dulaang UP yung Floy Quinto’s “St. Louis Loves dem Filipinos”. Ang ganda nung play, lalo na yung mismong theme at medyo nakakaiyak sya at ang galing at ang ganda nung production talaga… ang galing ni Bulan (main character) kasi sobrang nabigyan nya ng justice yung character at ang ganda ng boses nya at in fairness gwapo sya… ang ganda ng boses nung mga characters at galing din nila umarte syempre. Kaya lang mga 10:30 pm na nung matapos so medyo natakot talaga ako sa pag-uwi kasi gabi na nga tapos wala ng jeep na katipunan so kinailangan pa na maglakad palabas ng UP para makasakay ng tricycle…buti na lang nakasabay ko si Anjo, classmate ko sa comm3… sa sobrang kaba ko wala akong ginawa sa sasakyan kundi magdasal pero buti na lang at safe naman ako nakauwi…

Friday, ang saya nung Comm3 kasi nung araw na yun namin ipe-present yung sabayang pagbigkas pero wala pa kaming napapraktis na kahit ano…buti na lang at hindi 8:30 nagsimula yung klase…nakakakaba pa kasi akala namin panget yung nagawa namin tapos yung isa pang group (2 groups lang kasi) hindi sila nagpapractice so kami iniisip namin na baka perfect na talaga yung kanila… dumating na yung moment of truth.. ako mismo nagulat sa performance namin kasi nagkasabay-sabay kami sa actions at buo yung boses nung group… after magperform ng 2 groups sabi ng prof namin ang Hamon #2 namin, kailangan naming i-perform yun sa 3 mataong lugar sa school so nawindang kami pero after nya sabihin sa group namin ung comment nya sa ginawa namin naging ok na kami…ang taas ng grade namin…1.25 at sabi nya dapat daw flat 1 kami kaso kinulang ng emotion ung mismong boses pero ok daw ung facial expression at movements…sobrang saya talaga nun… nung hapon naman at kasama ko sina rem at jec di ko alam kung bakit masyado akong naparanoid matapos kong maalala yung ginawa ko…natatakot kasi ako na baka hindi nya na ako kausapin at baka kung anong isipin nya pero tulad ng sabi ko mali yung iniisip ko tungkol sa kanya… ang gulo ko na naman…

Ang ganda ng Nina Live…wala lang gusto ko lang sabihin though hindi ko masyadong gusto si Nina ang ganda ng rendition nya nung mga kanta lalo na yung Burn, Love Moves…, Steep, I Love You Goodbye, The Closer I Get to You (feat. Thor) at Cool With You…pero sa totoo lang maganda lahat…gusto ko na tuloy sya… ayan nga ang mga nangyari sa’kin…I’ll end this with my fave line in the book Mr. Write…sweet kasi eh…

“I know no end on desiring you…” (Gito, Mr. Write)


Monday, July 11, 2005

***not another sad ending!!!***

hay naku, hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko this past few days...after my birthday tatlong bad news yung dumating sa'kin...

1st nung wednesday, nagtext si shey sa'kin sabi nya patay na daw si sir Llames yung teacher namin sa math at enmath...grabe na-shock ako kala ko pa nga di totoo kaya nagtanong ako kay jec...pero yun nga eh..totoo yun so talagang nakakalungkot...nung dumalaw kami dun nung friday nalaman namin yung totoong dahilan...dun namin nakita na sobrang dami na ng estudyanteng natulungan ni sir romy...nakakapanghinayang talaga yung pagkawala niya sa RHS kasi iba talaga sya compared sa ibang naging math teacher namin eh...pero ok lang din kasi kasama na sya ni GOD ngayon at alam kong doon hindi na sya mahihirapan..

2nd, nung thursday sa geog1 class namin...kasi may activity kami na ipapasa nung araw na yon pero di namin napasa...ganito kasi yun, nung tuesday nagkita kami ni Arturo, di ko kasi alam bakit yung ibang groupmates namin ay di dumating...tapos yun nga sabi nya sakin sya na lang yung tatapos nung activity...nung thursday na natapos yung period pero di pa sya dumadating...i texted him para tanungin nga kung bakit di sya umatend at kung nagawa ba nya yung activity...nagreply sya hapon na tapos na-shock ako talaga sa nireply nya...sabi nya naholdap daw sya at nasapak pa kaya di na sya umabot sa class namin at nagsorry pa nga sya...although hindi kami masyadong close naapektuhan ako masyado at naguilty kasi ang iniisip namin ung activity hindi man lang namin naiisip kung ano na nangyari sa kanya...hayyyy...

lastly, nung friday di ako natuloy sa upm...bad trip talaga ung our...ineexpect pa naman ng frat na dadating ako...nasabihan pa tuloy ako na nakakainis ako pero ok lang kasi alam kong pabiro lang yun pero nakakaasar talaga kasi sobrang miss ko na sila lalo na.....ayoko na...

anyway, about the sad ending...i've just finished reading two books..."Between Dinner and the Morning After" at "Mr. Write"....ung pangalawa happy naman ung ending pero akala ko sad din muntik ko na nga di tapusin eh...basta maganda ung story akala ko kasi di nila pagbibigyan ung feelings nila but in the end napagdesisyunan nilang sundin ang tinitibok ng mga puso nila...bakit ba sobra ko syang nami-miss???

yung between dinner and the morning after sad ung ending...ang maganda dun ung girl, si Abi sinunod nya yung puso nya kahit walang kasiguraduhan sa pagkikita nila ng dating "boyfriend" or ka-fling or whatever...nagpunta talaga sya sa San Francisco para lang sa guy kaso may iba na yung guy...nakakalungkot nga eh...hindi ko alam kung bakit masyado akong affected...hay naku, bakit kasi ang sweet nya???

ako kapag sumusulat ako ng story lalo na kapag love story, hindi happy yung ending, kadalasan pa nga masyadong tragic ewan ko ba kung bakit, siguro narereflect dun ung mga nagyari sakin...meron akong sinulat based talaga sa totoong buhay pero ung ending hindi totoo...ang title nun "Friend of Mine" obvious naman kung tungkol sya saan dba? minsan nga ipopost ko un dito...anyway, nung 2nd sem sa upm, may sinimulan akong story pero di ko pa natatapos kasi feeling ko hindi na naman happy ending eh...cguro itutuloy ko na lang kapag nakaisip ako ng magandang ending...ayoko na ng ganitong feeling...ang hirap!!!

ung buhay natin ay isang story...we dont know if it would have a happy ending...hindi rin natin malalaman kung anu-ano ung mangyayari sa buhay natin...ang kinaiinisan ko lang, bakit ba kelangang masaktan ka na lang ng paulit-ulit...ang masakit pa dun hindi mo alam kung dapat ka ba talagang masaktan...ang gulo kasi eh...hindi mo alam kung gusto ka ba nya o talagang ganun lang sya...mahal ko na talaga ata sya eh...peste talaga...ayoko na ulit ng sad story!!!



Sunday, July 03, 2005

FrEsHteEeG!!!

Grabe ang saya ng concert nung friday!!! Dahil dun medyo nalimutan ko yung mga iniisip ko about my studies, in a way, nakatulong yun para naman makapag-unwind ako…ang saya talaga sobra. Kasama ko nga sina Jec, Tin at Kerby e. si Rem kasi dapat sasama kaso di sya pinayagan eh pero at least nag-enjoy pa rin kami kahit kaming apat lang.


Hindi namin alam kung anong oras sya magsisimula at in-assume na lang namin na mga 7 o’clock kasi nga concert yun so hindi maaga magsisimula. Pagdating namin dun ng 7 grabe ang haba na ng as in palibot na dun sa buong bahay ng alumni pero buti na lang pinaghiwalay yung pila ng freshies at nung mga may ticket. Mabilis din kami nakapasok kaso hindi na namin inabutan ung ibang bands kasi 5 pala yung start. Pero ayos lang nagpeperform na yung Mojofly nung nasa pinto kami at medyo nasulyapan ko naman sila at nakakanta din ako ng “mata” at “minamalas”. Astig talaga yung boses ng vocalist ng band nila.

Next performer yung Kjwan at iba talaga ung performance ni Mark Abaya at sobrang proud sya na UP student din sya at binati nya ung mga freshies. Ayos naman yung performance nila. Next yung Sandwich at yun talaga ang matatawag na performance level sobrang todohan na talaga to kaya yung iba ang gulo na. Yung mga ibang nagperform yung Cambio, kasama din nila si Ebe ng Sugarfree at enjoy din sa performance nila. Tapos sino pa ba?…In any order na lang nga…Yung Mongols din nagperform at in fairness ang gwapo ni Ely Buendia…sayang nga kasi wala na ang Eraserheads eh…Nung una, nung yun pang mga kanta nilatalaga yung kinakanta nila, di masyadong buhay yung audience pero nung bigla nilang kinanta yung “Alapaap” grabe biglang nabuhayan yung mga tao. Iba pa rin talaga epekto ng kanta ng E-heads sayang nga lang talaga at naghiwa-hiwalay na sila, gusto ko pa naman yung band nila dati.

Nung turn na ng Sugrafree biglang nagising yung mga tao kasi astig talaga sila…Una pa nilang kinanta ung “Burnout” eh isa yun sa mga favorites ko kaya sobrang sigaw talaga ako…Tapos kinanta naman nila ung “Prom” at kilig to the max ang audience…galing nila!!! Last song nila yung “Hari ng Sablay” at sobrang nakisabay sa kanila yung crowd ingay sobra pero sobrang saya…pinalitan nga ni Ebe ung ibang lyrics eh…sabi nya “Kayo ang hari ng UP…” Galing nila magperform kasi nagising ung audience.

It’s Kitchie Nadal’s turn at sobrang pagpasok pa lang nya tiliian na agad ung mga students eh kaya sobrang tinodo nya ung pagkanta. Di ko alam ung title nung 1st song nya pero maganda din ung meaning. After nun sabi nya kami na daw ung magsabi kung anong kakantahin nya at syempre sinabi ng crowd ung “Same Ground”. Sabi nung iba pangit daw mag-live si Kitchie pero para sakin ok naman kasi mataas naman ung energy nya at tinatry nyang ibigay ung performance na gusto ng audience. Last song nya “Bulong” at gumulo na naman ulit ang mga tao. Ung mga katabi nga namin mukhang mga trasher nagi-slamman talaga kaya medyo lumalayo kami kasi puro lalaki sila at sobrang gulo.

Nagperform naman ung Moonstar 88 at Kamikaze. Iba na tlaga ung vocalist ng Moonstar88 at mas gusto ko pa rin ung original pero ok din naman sya magperform at taga-UP din sya. Sinasabi pa nga nya ung mga jokes tungkol sa UP eh pero sobrang luma na kaya alam na rin nung ibang estudyante. Kinanta nila na alam ko ung “Sulat” at “Torete”, ung isa kasi nun ko lang narinig eh. Nung Kamikaze naman naupo muna kaming apat kasi ang sakit na ng binti namin at medyo nakakahilo kasi mainit tapos ung electric fan nagbubuga ng tubig kaya medyo malamig ung hangin at ang sakit sa ulo. OK ung vocalist ng Kamikaze eh ang kulit kung anu-ano sinasabi. Sabi ba naman nya mag-enjoy na daw kami kasi baka daw bigla nang magunaw ung mundo at least masaya ung mga huling oras namin tapos pabayaan na daw namin ung mga nagkakagulo sa labas at ung gobyerno mga wala lang daw magawa ung kaya mag-enjoy na lang kami. Tapos ung naging sobrang gulo nung mga rockista kasi syempre kamikaze un. After nila ung iba nag-alisan na.

Parokya ni Edgar na at sobrang tiliian talaga, talunan ung mga tao at slamman talaga. Gosh, iba pa rin ang Parokya ang galing nila sobra! Dati pa lang sobrang gusto ko na sila kasi astig ung mga kanta nila. Shocking talaga kasi 1st song nila “Halaga”, inaasar nga ako nina Jec at Tin eh. Sabi ko nga pasalamat “sya” dahil wala sya dun kasi kung nandun sya isisigaw ko talaga sa tenga nya ung bawat lyrics nung kanta. Nung time na yun ko nabuhos lahat ng gusto kong sabihin through the lyrics of the song, medyo bumabalik nga ung heartache eh pero ayos lang kasi…basta… ito ung favorite kong part dun sa kanta… “Minsan hindi ko maintindihan, parang ang buhay natin ay napagti-tripan. Malabo na nga yata ang mundo, Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko!!!”… Anyway, ung next song “Okatokat” at since wala si Vinchi naki-jam ung vocalist ng Kamikaze kay Chito at ang galing nya, bagay ung boses nilang dalawa. Kinanta nila ung “Buloy” at “Yes, yes Show” Ang galing nung sagutan nina Chito at nung vocalist ng Kamikaze.

Lastly, ung inabangan ko talagang band…HALE… Grabe ang gwapo talaga ni Champ…sobrang lakas talaga nung sigaw ko at ng mga friends ko kasi well un ung inaantay namin…ung first song nila nun ko lang narinig pero astig din…tapos syempre “Broken Sonnet” at “The Day You Said Goodnight”. Masaya ko that time pero nalulungkot din ako kasi may naiisip akong tao…ung rason kung bakit di ko na masyadong naiisip ung “past”…hehehe…ewan ko pero nakakaasar kasi hindi sya nakasama sa’kin for certain reasons…pero sobrang hindi ko alam…(mahal ko na ata sya eh)…oh no!

Anyway, after ng Hale, Session Road pero di na namin pinanood kasi 12 na nun eh baka wala na kaming masakyang taxi pauwi kaya ayun. Hindi na nga namin naantay ung Sponge Cola at Mayonnaise eh pero ayos lang masaya ung gabing un…Malapit na pala b-day ko pero mukhang di na kami maghahanda eh malamang family na lang namin pero ayos lang…pero sana makita ko ung mga barkada ko at ung “present”…hay naku nobela na naman ito…


Sunday, June 26, 2005

life in UPD

Thank God I survived my first year in college at di lang yun, binigay Nya pa sa’kin yung wish ko na makalipat sa UPD. Oo, nasa Diliman na nga ako ngayon pero sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko para lang makapag-enroll. Hay… grabe talaga yun.

Last June 2, day ng enrolment namin sa UPM, habang nasa Tokyo Tokyo kami ng FRAT, nalaman ko na may slot na para sa’kin sa Food Tech. So nagmamadali akong pumunta sa Diliman that time. Then, kinabukasan, after namin magpunta sa DOST for that tiring contract signing, punta naman ako sa UPM para magpa-clearance. Hindi ko inakala na ganun kahirap kumuha ng clearance. Ang sakit talaga sa paa pa’no ba naman kinailangan kong mag-akyat baba sa hagdan para mahagilap ang mga taong dapat pumirma sa clearance. Syempre di ko yun agad natapos that day so bumalik pa ako ng Monday. Pasaway pa dahil absent nun si Ma’am Sioco kaya di mapirmahan yung Univ. clearance ko, buti na lang andun si ma’am Boncan at sya na lang pumirma. Natapos ko na lahat yun that day although medyo muntik na kong masaraduhan sa registrar kasi nagmamaganda yung mga nasa OCS. Pero anyway, natapos ko lahat ng dapat kong gawin sa UPM that day. Kinabukasan ulit, sa UPD naman ako naglakad ngpapers. First day na ng klase yun eh (june 7) pero wala pa akong form 5! Nung araw na yun, sa isang prof lang ako nakapagprerog. Medyo nawiwindang na talaga ako nun kasi wala yung ibang prof kasi nga first day. Thurs., FS 101 pa lang nga ang na-e-enlist ko at syempre pumasok ako dun. After nung class ko, nag-text si Tin at sinabi nya na may slot pa sa Geog1 nya. Pinuntahan ko nga yung prof nya at nakapag-enlist naman ako. Tapos nag-prerog din ako sa math 17 ni Jec dahil wala ng slot sa Math 14 (5 sections lang kasi) at successful naman. So Friday, kinausap ko ung prof sa Kas2 at mabuti na lang at mabait sya at inenlist nya ako, medyo worried pa nga sya eh kasi baka daw wala pa akong ibang subjects pero sabi ko isa na lang nga kulang ko. Pagkatapos ng klase namin sa Kas2 nagpunta na ako sa CAL para sa Comm3 at nakakuha naman ako kaso Filipino pero ok na rin kaysa underloaded ako. Yun ung nangyari sa’kin sa first week ko sa UPD, medyo nakakapagod pero ok naman kasi tinulungan talaga ako ng high school barkada ko.

Three weeks na nga ang lumipas mula nung start ng klase at so far, so good. Hindi pa naman ako masyadong nahihirapan at masaya dahil may mga na-meet na akong bagong friends. The sad part is… nami-miss ko talaga yung FRAT at ang UPM. Sobrang nalulungkot ako lalo na kapag dumadating yung time na mag-isa lang ako nung nasa UPM kasi ako hindi ko naranasan na mag-isang maghintay ng susunod na klase. Magpapakatotoo na ako ngayon, sobrang nami-miss ko talaga yung closest friend ko sa UPM. Nakakaasar talaga kasi masyado akong nasanay na palagi kaming magkasama at magka-usap, e ngayon ni hindi na kami nagkikita. Nakakalungkot isipin na meron kang kelangang isakripisyo para makuha mo yung gusto mo at yung tao pang ayaw mong I-give up yung kelangang mapalayo sa’yo. Tama na nga, naiiyak lang ako e.


As of now, masaya din naman ako kasi kasama ko pa rin yung barkada ko at mga classmates ko nung high school. Siguro makakaya ko rin ‘tong pangungulila ko sa FRAT lalo na’t alam kong magkikita-kita pa rin naman kami at may way pa rin naman para magkausap kami. Sana hindi nila ako makalimutan at sana maging ok din sila dun kahit na kulang na sila ng dalawa dahil si Grace ay nasa Diliman na rin. Sobrang naging masaya at worthwhile yung first year ko dahil sa kanila.


Tuesday, May 10, 2005

...MISSING SOMEONE...

hay naku, dahil summer at nasa bahay lang ako...walang
magawa at namimiss ang mga tao...eto naadik na ako sa music lalo na sa opm bands...
ito ung first single ng hale...hay grabe astig talaga ang melodramatic music nila at sobrang expressive ng lyrics ng mga songs nila...cute pa ng vocalist nila...grabe ganda nitong song na ito at medyo nakakarelate din ako...

BROKEN SONNET
HALE

And now i concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And in this next line
I’ll say it all over again
That i love you, i love you

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘cause tonight i’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

The clock on the tv says 8:39 pm
It’s the same, it’s the same
And in this next line
I’ll say it all over again
That i love you, i love you

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘cause tonight i’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

I’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

But still i see the tears from your eyes
Maybe i’m just not the one for you

Wednesday, March 30, 2005

...reminiscing...

one year had passed since that day at dian's place (tomorrow was the real date).... that was the last day of our graduation... the day that i faced reality... the day when i revealed something that i hide for almost three years....

that was also the day when a friendship has ended... how i cried that day... after i have said everything, i just burst out... i cried in front of my two barkada... honestly, i don't know why... but i do know that i was hurt when i told him that i wanted to forget him...

but right now i must say that i'm almost over it... i baely cried when i remember that day but i must say that it is still fresh in my memory.. it seems like it just happened yesterday... i'm over it because someone helped me and that someone is still continuing to help me but i don't know if he knew it....

he's someone who let me see that there are a lot of reasons to be happy.... and i'm glad that he's always there to listen whenever i needed someone to talk to... he's just extraordinary...

i made a decision where i would definitely get hurt... i hate to do this but i have to 'coz i don't want to make the same mistake again...no, way! so i think this decision is the best way to get this over with...

Thursday, March 17, 2005

purgatory!

The Dante's Inferno Test has sent you to Purgatory!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Moderate
Level 2 (Lustful)Low
Level 3 (Gluttonous)Low
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Low
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Low
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Low
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low

Take the Dante's Divine Comedy Inferno Test

CoNfUsEd!!!

Buti n lang at ako'y may diary dahil kung wala... malamang naipost ko dito ang isang bagay na sisira sa buong buhay ko (oa yun syempre).... thanks to my diary...hahaha...

walang masyadong nangyayari sa buhay ko bukod sa paggawa ng paper...paper ulit...at marami pang paper...bukod dun...isang confusing na bagay lang naman ang gumugulo sa isipan ko....

kwento lang ako...nung monday nagpunta kami sa navotas para sa paper sa natsci4...ok naman dahil mabait yung engineer dun so nakuha namin ung mga kailangan naming malaman...tapos...nagpunta na kami sa bahay ng aking dear friend na si karlo...grabe nakakaasar tong confusing thought na 'to kasi ginugulo nya ang concentration ko...may isa pang nakagugulat na nagyari na lalong dumagdag sa pagiging magulo ng utak ko...tapos nauntog pa ko sa lamesa nina karlo...lalo tuloy naalog utak ko...

ang gulo ko na naman... iniisip ko nang lumipat ng eskwelahan...balak ko na talagang lmipat pero hindi ko maasikaso...kanina sa jeep, iniisip ko ung mga posibleng dahilan kung bakit gusto ko nang lumipat...nakadagdag 'tong distracting thought na 'to sa mga dahilan kung bakit gusto ko na ngang lumipat pero nagdadalawang isip ako kasi mami-miss ko ang UPM lalo na ang FRAT...at si...silang lahat...

hay naku, sana malinawan na talaga ako..pero sana kapag luminaw utak ko at mapagtanto ko kung ano mangyayari dito sa thought na ito...maging maayos na ang lahat...nonsense na ata 'to at alam kong maasar babasa nito...wala lang akong magawa...

Friday, March 04, 2005

friendly friends...

Hay sobrang natuwa naman ako at may mga taong pumapansin sa blog ko... sobrang nagulat talaga ako dahil marami ang nagcomment sa last entry ko... at sobrang naiyak din ako sa mga comments nyo..huhuhu...

Gusto ko lang linawin na hindi ko na sya iniiyakan...as you all said "He's not worth it"... saka halos isang taon na rin naman ung lumipas simula nung graduation (last day) natin eh... Sana huwag kayong masyadong mag-alala sakin kasi nung time na ginawa ko yung blog entry na yun eh wala lang talaga akong magawa at may pinagsisisihan lang akong mga bagay pero hindi kasama dun ung pagpapaalam sa kanya nung totoo...

Eto lang masasabi ko, masarap yung may special someone kang matatawag...pero sa kabila nito, hindi dapat sa kanya umikot ang mundo mo... hindi mo dapat hayaang masira ang buong buhay mo dahil lang sa isang tao... maraming mga tao ang MAS masasaktan kapag nawala ka... masaya ako dahil maraming nagmamahal sa'kin...

Isa pa po masaya na ko sa buhay ko ngayon at normal na ang takbo ng mga bagay-bagay... sa totoo lang hindi ko na sya masyadong naiisip pero hindi ko naman masabi na hindi ko na talaga sya mahal... ang importante sa'kin ngayon ay ang mga KAIBIGAN ko na SOBRANG NAGMAMAHAL sa'kin... isa pa hindi ako mamatay dahil lang sa kanya...sabi nga sa kanta ni Avril "If you don't care well I don't care...".

Tama na nga yan, alam nyo ba na maraming masasayang alaala ang high school namin? Kahit na sobrang pinahihirapan kami ng mga teachers namin eh masaya pa rin ang buhay ng mga actians (IV-1)... Dito ko nakilala yung mga matatawag ko talaga na tunay na kaibigan... marami ring nakakaiyak at nakakatawang moments kami together... pinaka hindi ko talaga makakalimutan nung third year kami kasi sobrang nagkaisa talaga kami nun... Pagtulungan ba naman kasi kami ng ibang sections at nagkampihan silang lahat kahit na wala naman kaming ginawang masama... Dito namin napatunayan na kaya naming harapin lahat ng masasakit na salita at mga paratang basta magkakasama kami... Dedma nga lang yung mga paninira nila samin eh...

Nung fourth year naman sobrang open na kami sa isa't isa at kapatid na ang turing namin sa isa't isa... Natutulog kami sa classroom, nagcu-cut ng sabay-sabay, naghaharutan at nagkakasundo sa mga kabaliwan namin... nakakamiss talaga ang actians...

eto pala ung class pic namin...

Thursday, February 17, 2005

wala lang...

Minsan hindi ko maintindihan ang buhay. Maraming mga bagay na nagyayari na hindi mo inaasahan at maaaring hindi mo gusto pero wala kang magawa para pigilan ito. Ang tanging magagawa mo lamang ay isiping may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.

Dati naniniwala ako na ang mga sugat na nararamdaman mo ay maghihilom sa paglipas ng panahon. Oo, noon, iyon ang pinaniniwalaan ko pero lahat ng bagay nagbabago pati na paniniwala natin lalo na kapag nandoon ka na sa sitwasyong iyon. Mahirap malimutan ang sakit na naidulot ng mga pangyayaring sa umpisa pa lang hindi mo na ginusto. Alam mong hindi dapat pero ayaw papigil ng puso mo. Alam mong masasaktan ka pero wala kang magawa para labanan ang sinasabi ng puso mo. At dahil nga wala kang magawa, makikisakay ka na lang sa agos ng mga pangyayari. Masasaktan ka at yun ang pinakamasaklap na maari mong maramdaman. Parang hindi mo kakayanin ang unti-unting pagkadurog ng puso mo. Sa una parang wala lang pero habang tumatagal mas mararamdaman mo ang pagkawasak ng puso mo at ang hirap nitong tanggapin. Sisisihin mo ang puso mo pero wala ring mangyayari. Siya na rin ang nagsabi na masarap pero masakit ang umibig.

Alam ko na ngayon na hindi madaling kalimutan ang isang taong minahal mo ng lubusan. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng masasakit na alaala at itinira lamang ang masasaya ngunit hindi iyon naging madali. Iniwasan ko ang mga bagay at lugar na makapagpapaalala sa kanya pero ang hirap talaga. Dumating na nga sa punto na gusto ko na lang isipin na hindi ko sya nakilala kahit kailan pero wala pa rin. Isang bagay ang natutunan ko, kapag mahal o minahal mo ang isang tao, hindi na sya mabubura sa isip mo, o kung mabura man sya sa isip mo, mananatili pa rin sya sa puso mo.

Bakit ko nga ba to sinasabi? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Siguro dahil marami na namang bagay ang nagpapaalala sa kanya. Sa loob ng tatlong taon, isang tao pa rin ang nasa puso ko at nahihirapan na ako. Nasira na nga ang pagkakaibigan namin dahil dito pero ayaw pa rin talagang tumigil ng pasaway kong puso. Gusto kong maniwala sa sinabi nya na magkaibigan pa rin kami at walang magbabago pero mahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo nakikita at nararamdaman. Sana nga ganon, sana lang.

“Sabi ko suko na ako. Sabi ko di na kita mahal. Sabi ko malilimutan rin kita. Sabi ko di na kita kailangan. Sabi ko okay na ko. Sabi ko yun… pero hindi yun ang nasa puso ko.”

Thursday, January 06, 2005

i hope it''s you....

malapit na naman ang hearts day! kaso wala pa rin akong lovelife...kasi naman ayaw pang kalimutan ang nakaraan...but there's someone important and special in my life right now...wala na kong masabi sa taong to! he's one of the best things that came into my life last year...hahaha..nakakatawa lang kasi di ko inaasahan na may mafefeel ako for him...anyway, i''d like to share this song from ntwine...

I HOPE IT'S YOU

Are you real or are you a dream
Are you true, or not what it seem
Cause I've been there before
Don't wanna hurt myself no more oh no no

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you

Will you stay, or will you leave
Shall I doubt, or shall I believe
Cause I've been there before
Don't wanna hurt myself no more oh no no

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you

How will I know
If you're gonna be here tomorrow
Tell me baby how can I say
When there's no other way
But to give you my heart, my love
I'm trusting from this time
Baby don't break my heart

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life
Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you