Saturday, July 16, 2005

...i ThOugHt...

I’m back to give an update about what had happened to me this week…


Naparanoid na naman ako this week kasi naman kung anu-anong naiisip ko…haaayyy…akala ko kasi pareho ung magiging reaction nila…pero sobrang maling-mali ako…bakit ba kasi ikinukumpara ko sya dun eh sobrang magkaiba nga sila…dati nung huling nangyari sa’kin to eh nung mahal ko pa si Mr. D….pero as I’ve said dati yun…(Love Moves in Mysterious Ways pa ung pinakikinggan ko ngayon…sakto).

Anyway, naging masaya yung takbo nitong week na ito kaysa last week. Actually masaya ko this week. Nung Tuesday kasi nagpunta ako sa UPM… ang sarap balikan nung memorable place na yun. Memorable kasi dun ko ginugol ung first year ko as college student… dun ako nagsimulang matuto ng maraming bagay tungkol sa college life… dun ako naging member ng 1st org ko sa college Organization of Area Studies Majors (OrgASM)… 1st crush ko sa college dun ko rin nakilala si Kuya Paolo (kasi sobrang talented nya eh)…higit sa lahat, dun ko nakilala ang FRAT kung saan nagkaroon ako ng mga kaibigan na sobrang naiintidihan ako at mahal ako…Balik sa kwento, masaya ako na makita ulit ang FRAT at makasama sila kahit sa sandaling oras lang pero feeling ko kuntento na ako nung time na yun… pakiramdaman ko kumpleto na ako kaya nga gusto ko sanang maulit yung pagpunta ko dun eh…( Burn na yung kanta, ganda ng duet nila Nina at Christian Bautista)… Ayun kwentuhan lang kami pero ang saya though medyo tinamaan ako dun sa sinabi ni ** na, “Siya nga nagawa nya tayong iwan eh, bakit di natin sya iiwan”, (hindi yan yung exact words pero yan yung thought)… pero ayos lang kasi pabiro yung pagkakasabi saka naintindihan ko naman eh… tapos yun past seven na ata kami nakaalis ni Jobelle sa 7-11 kasi kumain kaming dalawa at nagkwentuhan kasi hindi na naman ako maubusan ng kwento…basta ang saya ko nung araw na yun!

Nung Wednesday grabe may make-up class kami sa math pero ayos lang after nun nanood naman kami sa AVR para sa Kas2 namin…Dapat may practice kami nun ng sabayang pagbigkas para sa Comm3 kaso pagbalik ko hindi ko na sila mahagilap kaya tumambay na lang ako sa lib kasi nandun din si Jec. Nagbasa lang ako nung “A Walk to Remember” ni Nicholas Sparks at sobrang nakakaiyak at inspiring yung story…mas gusto ko yung book kaysa sa movie eh…Tapos yun kinwento ko kay Jec yung nangyari sa UPM at yung ka-weirduhan kong ginawa at sabi nya sa’kin sana sya rin daw maging expressive through words…

Tapos nung Thursday, nanood kami ng play ng Dulaang UP yung Floy Quinto’s “St. Louis Loves dem Filipinos”. Ang ganda nung play, lalo na yung mismong theme at medyo nakakaiyak sya at ang galing at ang ganda nung production talaga… ang galing ni Bulan (main character) kasi sobrang nabigyan nya ng justice yung character at ang ganda ng boses nya at in fairness gwapo sya… ang ganda ng boses nung mga characters at galing din nila umarte syempre. Kaya lang mga 10:30 pm na nung matapos so medyo natakot talaga ako sa pag-uwi kasi gabi na nga tapos wala ng jeep na katipunan so kinailangan pa na maglakad palabas ng UP para makasakay ng tricycle…buti na lang nakasabay ko si Anjo, classmate ko sa comm3… sa sobrang kaba ko wala akong ginawa sa sasakyan kundi magdasal pero buti na lang at safe naman ako nakauwi…

Friday, ang saya nung Comm3 kasi nung araw na yun namin ipe-present yung sabayang pagbigkas pero wala pa kaming napapraktis na kahit ano…buti na lang at hindi 8:30 nagsimula yung klase…nakakakaba pa kasi akala namin panget yung nagawa namin tapos yung isa pang group (2 groups lang kasi) hindi sila nagpapractice so kami iniisip namin na baka perfect na talaga yung kanila… dumating na yung moment of truth.. ako mismo nagulat sa performance namin kasi nagkasabay-sabay kami sa actions at buo yung boses nung group… after magperform ng 2 groups sabi ng prof namin ang Hamon #2 namin, kailangan naming i-perform yun sa 3 mataong lugar sa school so nawindang kami pero after nya sabihin sa group namin ung comment nya sa ginawa namin naging ok na kami…ang taas ng grade namin…1.25 at sabi nya dapat daw flat 1 kami kaso kinulang ng emotion ung mismong boses pero ok daw ung facial expression at movements…sobrang saya talaga nun… nung hapon naman at kasama ko sina rem at jec di ko alam kung bakit masyado akong naparanoid matapos kong maalala yung ginawa ko…natatakot kasi ako na baka hindi nya na ako kausapin at baka kung anong isipin nya pero tulad ng sabi ko mali yung iniisip ko tungkol sa kanya… ang gulo ko na naman…

Ang ganda ng Nina Live…wala lang gusto ko lang sabihin though hindi ko masyadong gusto si Nina ang ganda ng rendition nya nung mga kanta lalo na yung Burn, Love Moves…, Steep, I Love You Goodbye, The Closer I Get to You (feat. Thor) at Cool With You…pero sa totoo lang maganda lahat…gusto ko na tuloy sya… ayan nga ang mga nangyari sa’kin…I’ll end this with my fave line in the book Mr. Write…sweet kasi eh…

“I know no end on desiring you…” (Gito, Mr. Write)


No comments: