I’m back to give an update about what had happened to me this week…
Anyway, naging masaya yung takbo nitong week na ito kaysa last week. Actually masaya ko this week. Nung Tuesday kasi nagpunta ako sa UPM… ang sarap balikan nung memorable place na yun. Memorable kasi dun ko ginugol ung first year ko as college student… dun ako nagsimulang matuto ng maraming bagay tungkol sa college life… dun ako naging member ng 1st org ko sa college Organization of Area Studies Majors (OrgASM)… 1st crush ko sa college dun ko rin nakilala si Kuya Paolo (kasi sobrang talented nya eh)…higit sa lahat, dun ko nakilala ang FRAT kung saan nagkaroon ako ng mga kaibigan na sobrang naiintidihan ako at mahal ako…Balik sa kwento, masaya ako na makita ulit ang FRAT at makasama sila kahit sa sandaling oras lang pero feeling ko kuntento na ako nung time na yun… pakiramdaman ko kumpleto na ako kaya nga gusto ko sanang maulit yung pagpunta ko dun eh…( Burn na yung kanta, ganda ng duet nila Nina at Christian Bautista)… Ayun kwentuhan lang kami pero ang saya though medyo tinamaan ako dun sa sinabi ni ** na, “Siya nga nagawa nya tayong iwan eh, bakit di natin sya iiwan”, (hindi yan yung exact words pero yan yung thought)… pero ayos lang kasi pabiro yung pagkakasabi saka naintindihan ko naman eh… tapos yun past seven na ata kami nakaalis ni Jobelle sa 7-11 kasi kumain kaming dalawa at nagkwentuhan kasi hindi na naman ako maubusan ng kwento…basta ang saya ko nung araw na yun! Nung Wednesday grabe may make-up class kami sa math pero ayos lang after nun nanood naman kami sa AVR para sa Kas2 namin…Dapat may practice kami nun ng sabayang pagbigkas para sa Comm3 kaso pagbalik ko hindi ko na sila mahagilap kaya tumambay na lang ako sa lib kasi nandun din si Jec. Nagbasa lang ako nung “A Walk to Remember” ni Nicholas Sparks at sobrang nakakaiyak at inspiring yung story…mas gusto ko yung book kaysa sa movie eh…Tapos yun kinwento ko kay Jec yung nangyari sa UPM at yung ka-weirduhan kong ginawa at sabi nya sa’kin sana sya rin daw maging expressive through words… Tapos nung Thursday, nanood kami ng play ng Dulaang UP yung Floy Quinto’s “St. Louis Loves dem Filipinos”. Ang ganda nung play, lalo na yung mismong theme at medyo nakakaiyak sya at ang galing at ang ganda nung production talaga… ang galing ni Bulan (main character) kasi sobrang nabigyan nya ng justice yung character at ang ganda ng boses nya at in fairness gwapo sya… ang ganda ng boses nung mga characters at galing din nila umarte syempre. Kaya lang mga 10:30 pm na nung matapos so medyo natakot talaga ako sa pag-uwi kasi gabi na nga tapos wala ng jeep na katipunan so kinailangan pa na maglakad palabas ng UP para makasakay ng tricycle…buti na lang nakasabay ko si Anjo, classmate ko sa comm3… sa sobrang kaba ko wala akong ginawa sa sasakyan kundi magdasal pero buti na lang at safe naman ako nakauwi… Friday, ang saya nung Comm3 kasi nung araw na yun namin ipe-present yung sabayang pagbigkas pero wala pa kaming napapraktis na kahit ano…buti na lang at hindi 8:30 nagsimula yung klase…nakakakaba pa kasi akala namin panget yung nagawa namin tapos yung isa pang group (2 groups lang kasi) hindi sila nagpapractice so kami iniisip namin na baka perfect na talaga yung kanila… dumating na yung moment of truth.. ako mismo nagulat sa performance namin kasi nagkasabay-sabay kami sa actions at buo yung boses nung group… after magperform ng 2 groups sabi ng prof namin ang Hamon #2 namin, kailangan naming i-perform yun sa 3 mataong lugar sa school so nawindang kami pero after nya sabihin sa group namin ung comment nya sa ginawa namin naging ok na kami…ang taas ng grade namin…1.25 at sabi nya dapat daw flat 1 kami kaso kinulang ng emotion ung mismong boses pero ok daw ung facial expression at movements…sobrang saya talaga nun… nung hapon naman at kasama ko sina rem at jec di ko alam kung bakit masyado akong naparanoid matapos kong maalala yung ginawa ko…natatakot kasi ako na baka hindi nya na ako kausapin at baka kung anong isipin nya pero tulad ng sabi ko mali yung iniisip ko tungkol sa kanya… ang gulo ko na naman… Ang ganda ng Nina Live…wala lang gusto ko lang sabihin though hindi ko masyadong gusto si Nina ang ganda ng rendition nya nung mga kanta lalo na yung Burn, Love Moves…, Steep, I Love You Goodbye, The Closer I Get to You (feat. Thor) at Cool With You…pero sa totoo lang maganda lahat…gusto ko na tuloy sya… ayan nga ang mga nangyari sa’kin…I’ll end this with my fave line in the book Mr. Write…sweet kasi eh… “I know no end on desiring you…” (Gito, Mr. Write) |
behind those smiles...behind those laughs... behind those stories of bravery...behind all this is a weak girl... someone who needs to feel that she is important... and this is the real me...
Saturday, July 16, 2005
...i ThOugHt...
Monday, July 11, 2005
***not another sad ending!!!***
| hay naku, hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko this past few days...after my birthday tatlong bad news yung dumating sa'kin... 1st nung wednesday, nagtext si shey sa'kin sabi nya patay na daw si sir Llames yung teacher namin sa math at enmath...grabe na-shock ako kala ko pa nga di totoo kaya nagtanong ako kay jec...pero yun nga eh..totoo yun so talagang nakakalungkot...nung dumalaw kami dun nung friday nalaman namin yung totoong dahilan...dun namin nakita na sobrang dami na ng estudyanteng natulungan ni sir romy...nakakapanghinayang talaga yung pagkawala niya sa RHS kasi iba talaga sya compared sa ibang naging math teacher namin eh...pero ok lang din kasi kasama na sya ni GOD ngayon at alam kong doon hindi na sya mahihirapan.. 2nd, nung thursday sa geog1 class namin...kasi may activity kami na ipapasa nung araw na yon pero di namin napasa...ganito kasi yun, nung tuesday nagkita kami ni Arturo, di ko kasi alam bakit yung ibang groupmates namin ay di dumating...tapos yun nga sabi nya sakin sya na lang yung tatapos nung activity...nung thursday na natapos yung period pero di pa sya dumadating...i texted him para tanungin nga kung bakit di sya umatend at kung nagawa ba nya yung activity...nagreply sya hapon na tapos na-shock ako talaga sa nireply nya...sabi nya naholdap daw sya at nasapak pa kaya di na sya umabot sa class namin at nagsorry pa nga sya...although hindi kami masyadong close naapektuhan ako masyado at naguilty kasi ang iniisip namin ung activity hindi man lang namin naiisip kung ano na nangyari sa kanya...hayyyy... lastly, nung friday di ako natuloy sa upm...bad trip talaga ung our...ineexpect pa naman ng frat na dadating ako...nasabihan pa tuloy ako na nakakainis ako pero ok lang kasi alam kong pabiro lang yun pero nakakaasar talaga kasi sobrang miss ko na sila lalo na.....ayoko na... anyway, about the sad ending...i've just finished reading two books..."Between Dinner and the Morning After" at "Mr. Write"....ung pangalawa happy naman ung ending pero akala ko sad din muntik ko na nga di tapusin eh...basta maganda ung story akala ko kasi di nila pagbibigyan ung feelings nila but in the end napagdesisyunan nilang sundin ang tinitibok ng mga puso nila...bakit ba sobra ko syang nami-miss??? yung between dinner and the morning after sad ung ending...ang maganda dun ung girl, si Abi sinunod nya yung puso nya kahit walang kasiguraduhan sa pagkikita nila ng dating "boyfriend" or ka-fling or whatever...nagpunta talaga sya sa San Francisco para lang sa guy kaso may iba na yung guy...nakakalungkot nga eh...hindi ko alam kung bakit masyado akong affected...hay naku, bakit kasi ang sweet nya??? ako kapag sumusulat ako ng story lalo na kapag love story, hindi happy yung ending, kadalasan pa nga masyadong tragic ewan ko ba kung bakit, siguro narereflect dun ung mga nagyari sakin...meron akong sinulat based talaga sa totoong buhay pero ung ending hindi totoo...ang title nun "Friend of Mine" obvious naman kung tungkol sya saan dba? minsan nga ipopost ko un dito...anyway, nung 2nd sem sa upm, may sinimulan akong story pero di ko pa natatapos kasi feeling ko hindi na naman happy ending eh...cguro itutuloy ko na lang kapag nakaisip ako ng magandang ending...ayoko na ng ganitong feeling...ang hirap!!! ung buhay natin ay isang story...we dont know if it would have a happy ending...hindi rin natin malalaman kung anu-ano ung mangyayari sa buhay natin...ang kinaiinisan ko lang, bakit ba kelangang masaktan ka na lang ng paulit-ulit...ang masakit pa dun hindi mo alam kung dapat ka ba talagang masaktan...ang gulo kasi eh...hindi mo alam kung gusto ka ba nya o talagang ganun lang sya...mahal ko na talaga ata sya eh...peste talaga...ayoko na ulit ng sad story!!! |
Sunday, July 03, 2005
FrEsHteEeG!!!
Grabe ang saya ng concert nung friday!!! Dahil dun medyo nalimutan ko yung mga iniisip ko about my studies, in a way, nakatulong yun para naman makapag-unwind ako…ang saya talaga sobra. Kasama ko nga sina Jec, Tin at Kerby e. si Rem kasi dapat sasama kaso di sya pinayagan eh pero at least nag-enjoy pa rin kami kahit kaming apat lang.
Next performer yung Kjwan at iba talaga ung performance ni Mark Abaya at sobrang proud sya na UP student din sya at binati nya ung mga freshies. Ayos naman yung performance nila. Next yung Sandwich at yun talaga ang matatawag na performance level sobrang todohan na talaga to kaya yung iba ang gulo na. Yung mga ibang nagperform yung Cambio, kasama din nila si Ebe ng Sugarfree at enjoy din sa performance nila. Tapos sino pa ba?…In any order na lang nga…Yung Mongols din nagperform at in fairness ang gwapo ni Ely Buendia…sayang nga kasi wala na ang Eraserheads eh…Nung una, nung yun pang mga kanta nilatalaga yung kinakanta nila, di masyadong buhay yung audience pero nung bigla nilang kinanta yung “Alapaap” grabe biglang nabuhayan yung mga tao. Iba pa rin talaga epekto ng kanta ng E-heads sayang nga lang talaga at naghiwa-hiwalay na sila, gusto ko pa naman yung band nila dati. Nung turn na ng Sugrafree biglang nagising yung mga tao kasi astig talaga sila…Una pa nilang kinanta ung “Burnout” eh isa yun sa mga favorites ko kaya sobrang sigaw talaga ako…Tapos kinanta naman nila ung “Prom” at kilig to the max ang audience…galing nila!!! Last song nila yung “Hari ng Sablay” at sobrang nakisabay sa kanila yung crowd ingay sobra pero sobrang saya…pinalitan nga ni Ebe ung ibang lyrics eh…sabi nya “Kayo ang hari ng UP…” Galing nila magperform kasi nagising ung audience. It’s Kitchie Nadal’s turn at sobrang pagpasok pa lang nya tiliian na agad ung mga students eh kaya sobrang tinodo nya ung pagkanta. Di ko alam ung title nung 1st song nya pero maganda din ung meaning. After nun sabi nya kami na daw ung magsabi kung anong kakantahin nya at syempre sinabi ng crowd ung “Same Ground”. Sabi nung iba pangit daw mag-live si Kitchie pero para sakin ok naman kasi mataas naman ung energy nya at tinatry nyang ibigay ung performance na gusto ng audience. Last song nya “Bulong” at gumulo na naman ulit ang mga tao. Ung mga katabi nga namin mukhang mga trasher nagi-slamman talaga kaya medyo lumalayo kami kasi puro lalaki sila at sobrang gulo. Nagperform naman ung Moonstar 88 at Kamikaze. Iba na tlaga ung vocalist ng Moonstar88 at mas gusto ko pa rin ung original pero ok din naman sya magperform at taga-UP din sya. Sinasabi pa nga nya ung mga jokes tungkol sa UP eh pero sobrang luma na kaya alam na rin nung ibang estudyante. Kinanta nila na alam ko ung “Sulat” at “Torete”, ung isa kasi nun ko lang narinig eh. Nung Kamikaze naman naupo muna kaming apat kasi ang sakit na ng binti namin at medyo nakakahilo kasi mainit tapos ung electric fan nagbubuga ng tubig kaya medyo malamig ung hangin at ang sakit sa ulo. OK ung vocalist ng Kamikaze eh ang kulit kung anu-ano sinasabi. Sabi ba naman nya mag-enjoy na daw kami kasi baka daw bigla nang magunaw ung mundo at least masaya ung mga huling oras namin tapos pabayaan na daw namin ung mga nagkakagulo sa labas at ung gobyerno mga wala lang daw magawa ung kaya mag-enjoy na lang kami. Tapos ung naging sobrang gulo nung mga rockista kasi syempre kamikaze un. After nila ung iba nag-alisan na. Parokya ni Edgar na at sobrang tiliian talaga, talunan ung mga tao at slamman talaga. Gosh, iba pa rin ang Parokya ang galing nila sobra! Dati pa lang sobrang gusto ko na sila kasi astig ung mga kanta nila. Shocking talaga kasi 1st song nila “Halaga”, inaasar nga ako nina Jec at Tin eh. Sabi ko nga pasalamat “sya” dahil wala sya dun kasi kung nandun sya isisigaw ko talaga sa tenga nya ung bawat lyrics nung kanta. Nung time na yun ko nabuhos lahat ng gusto kong sabihin through the lyrics of the song, medyo bumabalik nga ung heartache eh pero ayos lang kasi…basta… ito ung favorite kong part dun sa kanta… “Minsan hindi ko maintindihan, parang ang buhay natin ay napagti-tripan. Malabo na nga yata ang mundo, Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko!!!”… Anyway, ung next song “Okatokat” at since wala si Vinchi naki-jam ung vocalist ng Kamikaze kay Chito at ang galing nya, bagay ung boses nilang dalawa. Kinanta nila ung “Buloy” at “Yes, yes Show” Ang galing nung sagutan nina Chito at nung vocalist ng Kamikaze. Lastly, ung inabangan ko talagang band…HALE… Grabe ang gwapo talaga ni Champ…sobrang lakas talaga nung sigaw ko at ng mga friends ko kasi well un ung inaantay namin…ung first song nila nun ko lang narinig pero astig din…tapos syempre “Broken Sonnet” at “The Day You Said Goodnight”. Masaya ko that time pero nalulungkot din ako kasi may naiisip akong tao…ung rason kung bakit di ko na masyadong naiisip ung “past”…hehehe…ewan ko pero nakakaasar kasi hindi sya nakasama sa’kin for certain reasons…pero sobrang hindi ko alam…(mahal ko na ata sya eh)…oh no! Anyway, after ng Hale, Session Road pero di na namin pinanood kasi 12 na nun eh baka wala na kaming masakyang taxi pauwi kaya ayun. Hindi na nga namin naantay ung Sponge Cola at Mayonnaise eh pero ayos lang masaya ung gabing un…Malapit na pala b-day ko pero mukhang di na kami maghahanda eh malamang family na lang namin pero ayos lang…pero sana makita ko ung mga barkada ko at ung “present”…hay naku nobela na naman ito… |