Friday, March 04, 2005

friendly friends...

Hay sobrang natuwa naman ako at may mga taong pumapansin sa blog ko... sobrang nagulat talaga ako dahil marami ang nagcomment sa last entry ko... at sobrang naiyak din ako sa mga comments nyo..huhuhu...

Gusto ko lang linawin na hindi ko na sya iniiyakan...as you all said "He's not worth it"... saka halos isang taon na rin naman ung lumipas simula nung graduation (last day) natin eh... Sana huwag kayong masyadong mag-alala sakin kasi nung time na ginawa ko yung blog entry na yun eh wala lang talaga akong magawa at may pinagsisisihan lang akong mga bagay pero hindi kasama dun ung pagpapaalam sa kanya nung totoo...

Eto lang masasabi ko, masarap yung may special someone kang matatawag...pero sa kabila nito, hindi dapat sa kanya umikot ang mundo mo... hindi mo dapat hayaang masira ang buong buhay mo dahil lang sa isang tao... maraming mga tao ang MAS masasaktan kapag nawala ka... masaya ako dahil maraming nagmamahal sa'kin...

Isa pa po masaya na ko sa buhay ko ngayon at normal na ang takbo ng mga bagay-bagay... sa totoo lang hindi ko na sya masyadong naiisip pero hindi ko naman masabi na hindi ko na talaga sya mahal... ang importante sa'kin ngayon ay ang mga KAIBIGAN ko na SOBRANG NAGMAMAHAL sa'kin... isa pa hindi ako mamatay dahil lang sa kanya...sabi nga sa kanta ni Avril "If you don't care well I don't care...".

Tama na nga yan, alam nyo ba na maraming masasayang alaala ang high school namin? Kahit na sobrang pinahihirapan kami ng mga teachers namin eh masaya pa rin ang buhay ng mga actians (IV-1)... Dito ko nakilala yung mga matatawag ko talaga na tunay na kaibigan... marami ring nakakaiyak at nakakatawang moments kami together... pinaka hindi ko talaga makakalimutan nung third year kami kasi sobrang nagkaisa talaga kami nun... Pagtulungan ba naman kasi kami ng ibang sections at nagkampihan silang lahat kahit na wala naman kaming ginawang masama... Dito namin napatunayan na kaya naming harapin lahat ng masasakit na salita at mga paratang basta magkakasama kami... Dedma nga lang yung mga paninira nila samin eh...

Nung fourth year naman sobrang open na kami sa isa't isa at kapatid na ang turing namin sa isa't isa... Natutulog kami sa classroom, nagcu-cut ng sabay-sabay, naghaharutan at nagkakasundo sa mga kabaliwan namin... nakakamiss talaga ang actians...

eto pala ung class pic namin...

No comments: