Friday, December 31, 2004

happiest moment in 2004

thank God YE batch 17 is over! grabe akala ko talaga hindi yun matutuloy kasi wala kaming pondo pero napatunayan ko na nothing is impossible with God for He provides. medyo mahirap maging mother of the house pero masaya at sobrang nakakatuwa kapag alam mo na may mga taong kang nadala papalapit kay God. Dec 27-30 yung Youth Encounter at sa loob ng tatlong araw at tatlong gabing yun, mas lalo kong napatunayan na mas masarap kapag maraming nagmamahal sa'yo. Nakakatuwa yung mga participants kasi naghanda pa sila ng isang surprise number para pasalamatan kami. kumanta sila ng kaibigan at salamat...alam ko sobrang pinaghirapan at pinaghandaan nila yun kasi flashlight lang yung ginamit nilang ilaw sa pagsusulat ng lyrics nun dahil pinapatay na namin yung ilaw...sobrang nakakawala nang pagod lalo na't alam mong naappreciate nila yung ginawa namin.

Sobrang saya talaga namin ni kuya Roy (father of the house) nung matapos yun kasi nga ang daming naging problema nung YE na yun...una, wala kaming pondo....nung nakahanap na kami ng mga sponsors para sa food, wala namang confirmed na participants...kaya nung 26 ng gabi nagbigay na kami ng taning na hanggang 12 noon ng 27, kelangan makakuha kami ng at least 15 participants kaya ayun gabi na rin kami nakauwi at inumaga pa nga yung iba para lang matuloy yung YE...at 8 pm ng 27, nagulat kami kasi 15 participants na yung nandun sa prince n princess kaya nagstart na kami ng session....by 12 mn... mas lalo kaming nagulat dahil meron na kaming 25 participants all in all...unfortunately, 2 yung hindi nakatapos ng encounter kasi yung isa tumakas nung madaling araw ng 27 at yung isa ay umuwi pero ok lang inisip na lang namin na hindi pa ngayon yung time para ma-experience nila yung YE...at yung remaining 23 participants ay alam kong naging masaya din at marami silang natutunan at alam kong hindi nila malilimutan tong encounter nila with God kasi yun din yung naramdaman ko nung nag-YE ako...batch 15.

sobrang laki talaga ng pagpapasalamat ko sa lahat ng tumulong samin para maging successful yung YE...totoo yung sinabi ni JC sa'kin na "God will make a way". Nagpapasalamat talaga ako sa mga faci namin na nagbigay nang mga sessions...sina ate erlyn, ate juvy, kuya benny, kuya obet, kuya allan, kuya edward, kuya voltaire, kuya anton at kuya lino...ganun din sa staff na kahit walang tulog eh tumutulong pa rin...sina j-mar, ben, kuye emman, kuya bodjie, arvy, princess, ruth, dhen, ifher, claire, ghala, otan, mark at yung iba pa...lalo na pala kay nhong na nagbudget ng pera at kay jc na tumulong sakin para sa liturgy...salamat talaga sa kanilang lahat pati na dun sa di ko nabanggit...

this year, 2005, promise ko kay Lord na tutulong pa ko para mas dumami pa yung mga madala namin palapit sa kanya at patuloy pa rin akong magseserve sa kanya kasi dun ko nararamdaman yung true happiness...

YE motto: "No love, no friendship, can ever cross our paths, without affecting us in some ways.....forever."

No comments: