Sunday, June 26, 2005

life in UPD

Thank God I survived my first year in college at di lang yun, binigay Nya pa sa’kin yung wish ko na makalipat sa UPD. Oo, nasa Diliman na nga ako ngayon pero sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko para lang makapag-enroll. Hay… grabe talaga yun.

Last June 2, day ng enrolment namin sa UPM, habang nasa Tokyo Tokyo kami ng FRAT, nalaman ko na may slot na para sa’kin sa Food Tech. So nagmamadali akong pumunta sa Diliman that time. Then, kinabukasan, after namin magpunta sa DOST for that tiring contract signing, punta naman ako sa UPM para magpa-clearance. Hindi ko inakala na ganun kahirap kumuha ng clearance. Ang sakit talaga sa paa pa’no ba naman kinailangan kong mag-akyat baba sa hagdan para mahagilap ang mga taong dapat pumirma sa clearance. Syempre di ko yun agad natapos that day so bumalik pa ako ng Monday. Pasaway pa dahil absent nun si Ma’am Sioco kaya di mapirmahan yung Univ. clearance ko, buti na lang andun si ma’am Boncan at sya na lang pumirma. Natapos ko na lahat yun that day although medyo muntik na kong masaraduhan sa registrar kasi nagmamaganda yung mga nasa OCS. Pero anyway, natapos ko lahat ng dapat kong gawin sa UPM that day. Kinabukasan ulit, sa UPD naman ako naglakad ngpapers. First day na ng klase yun eh (june 7) pero wala pa akong form 5! Nung araw na yun, sa isang prof lang ako nakapagprerog. Medyo nawiwindang na talaga ako nun kasi wala yung ibang prof kasi nga first day. Thurs., FS 101 pa lang nga ang na-e-enlist ko at syempre pumasok ako dun. After nung class ko, nag-text si Tin at sinabi nya na may slot pa sa Geog1 nya. Pinuntahan ko nga yung prof nya at nakapag-enlist naman ako. Tapos nag-prerog din ako sa math 17 ni Jec dahil wala ng slot sa Math 14 (5 sections lang kasi) at successful naman. So Friday, kinausap ko ung prof sa Kas2 at mabuti na lang at mabait sya at inenlist nya ako, medyo worried pa nga sya eh kasi baka daw wala pa akong ibang subjects pero sabi ko isa na lang nga kulang ko. Pagkatapos ng klase namin sa Kas2 nagpunta na ako sa CAL para sa Comm3 at nakakuha naman ako kaso Filipino pero ok na rin kaysa underloaded ako. Yun ung nangyari sa’kin sa first week ko sa UPD, medyo nakakapagod pero ok naman kasi tinulungan talaga ako ng high school barkada ko.

Three weeks na nga ang lumipas mula nung start ng klase at so far, so good. Hindi pa naman ako masyadong nahihirapan at masaya dahil may mga na-meet na akong bagong friends. The sad part is… nami-miss ko talaga yung FRAT at ang UPM. Sobrang nalulungkot ako lalo na kapag dumadating yung time na mag-isa lang ako nung nasa UPM kasi ako hindi ko naranasan na mag-isang maghintay ng susunod na klase. Magpapakatotoo na ako ngayon, sobrang nami-miss ko talaga yung closest friend ko sa UPM. Nakakaasar talaga kasi masyado akong nasanay na palagi kaming magkasama at magka-usap, e ngayon ni hindi na kami nagkikita. Nakakalungkot isipin na meron kang kelangang isakripisyo para makuha mo yung gusto mo at yung tao pang ayaw mong I-give up yung kelangang mapalayo sa’yo. Tama na nga, naiiyak lang ako e.


As of now, masaya din naman ako kasi kasama ko pa rin yung barkada ko at mga classmates ko nung high school. Siguro makakaya ko rin ‘tong pangungulila ko sa FRAT lalo na’t alam kong magkikita-kita pa rin naman kami at may way pa rin naman para magkausap kami. Sana hindi nila ako makalimutan at sana maging ok din sila dun kahit na kulang na sila ng dalawa dahil si Grace ay nasa Diliman na rin. Sobrang naging masaya at worthwhile yung first year ko dahil sa kanila.


Tuesday, May 10, 2005

...MISSING SOMEONE...

hay naku, dahil summer at nasa bahay lang ako...walang
magawa at namimiss ang mga tao...eto naadik na ako sa music lalo na sa opm bands...
ito ung first single ng hale...hay grabe astig talaga ang melodramatic music nila at sobrang expressive ng lyrics ng mga songs nila...cute pa ng vocalist nila...grabe ganda nitong song na ito at medyo nakakarelate din ako...

BROKEN SONNET
HALE

And now i concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And in this next line
I’ll say it all over again
That i love you, i love you

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘cause tonight i’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

The clock on the tv says 8:39 pm
It’s the same, it’s the same
And in this next line
I’ll say it all over again
That i love you, i love you

I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘cause tonight i’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

I’ll leave my fears behind
‘cause tonight i’ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go

But still i see the tears from your eyes
Maybe i’m just not the one for you

Wednesday, March 30, 2005

...reminiscing...

one year had passed since that day at dian's place (tomorrow was the real date).... that was the last day of our graduation... the day that i faced reality... the day when i revealed something that i hide for almost three years....

that was also the day when a friendship has ended... how i cried that day... after i have said everything, i just burst out... i cried in front of my two barkada... honestly, i don't know why... but i do know that i was hurt when i told him that i wanted to forget him...

but right now i must say that i'm almost over it... i baely cried when i remember that day but i must say that it is still fresh in my memory.. it seems like it just happened yesterday... i'm over it because someone helped me and that someone is still continuing to help me but i don't know if he knew it....

he's someone who let me see that there are a lot of reasons to be happy.... and i'm glad that he's always there to listen whenever i needed someone to talk to... he's just extraordinary...

i made a decision where i would definitely get hurt... i hate to do this but i have to 'coz i don't want to make the same mistake again...no, way! so i think this decision is the best way to get this over with...

Thursday, March 17, 2005

purgatory!

The Dante's Inferno Test has sent you to Purgatory!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Moderate
Level 2 (Lustful)Low
Level 3 (Gluttonous)Low
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Low
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Low
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Low
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low

Take the Dante's Divine Comedy Inferno Test

CoNfUsEd!!!

Buti n lang at ako'y may diary dahil kung wala... malamang naipost ko dito ang isang bagay na sisira sa buong buhay ko (oa yun syempre).... thanks to my diary...hahaha...

walang masyadong nangyayari sa buhay ko bukod sa paggawa ng paper...paper ulit...at marami pang paper...bukod dun...isang confusing na bagay lang naman ang gumugulo sa isipan ko....

kwento lang ako...nung monday nagpunta kami sa navotas para sa paper sa natsci4...ok naman dahil mabait yung engineer dun so nakuha namin ung mga kailangan naming malaman...tapos...nagpunta na kami sa bahay ng aking dear friend na si karlo...grabe nakakaasar tong confusing thought na 'to kasi ginugulo nya ang concentration ko...may isa pang nakagugulat na nagyari na lalong dumagdag sa pagiging magulo ng utak ko...tapos nauntog pa ko sa lamesa nina karlo...lalo tuloy naalog utak ko...

ang gulo ko na naman... iniisip ko nang lumipat ng eskwelahan...balak ko na talagang lmipat pero hindi ko maasikaso...kanina sa jeep, iniisip ko ung mga posibleng dahilan kung bakit gusto ko nang lumipat...nakadagdag 'tong distracting thought na 'to sa mga dahilan kung bakit gusto ko na ngang lumipat pero nagdadalawang isip ako kasi mami-miss ko ang UPM lalo na ang FRAT...at si...silang lahat...

hay naku, sana malinawan na talaga ako..pero sana kapag luminaw utak ko at mapagtanto ko kung ano mangyayari dito sa thought na ito...maging maayos na ang lahat...nonsense na ata 'to at alam kong maasar babasa nito...wala lang akong magawa...

Friday, March 04, 2005

friendly friends...

Hay sobrang natuwa naman ako at may mga taong pumapansin sa blog ko... sobrang nagulat talaga ako dahil marami ang nagcomment sa last entry ko... at sobrang naiyak din ako sa mga comments nyo..huhuhu...

Gusto ko lang linawin na hindi ko na sya iniiyakan...as you all said "He's not worth it"... saka halos isang taon na rin naman ung lumipas simula nung graduation (last day) natin eh... Sana huwag kayong masyadong mag-alala sakin kasi nung time na ginawa ko yung blog entry na yun eh wala lang talaga akong magawa at may pinagsisisihan lang akong mga bagay pero hindi kasama dun ung pagpapaalam sa kanya nung totoo...

Eto lang masasabi ko, masarap yung may special someone kang matatawag...pero sa kabila nito, hindi dapat sa kanya umikot ang mundo mo... hindi mo dapat hayaang masira ang buong buhay mo dahil lang sa isang tao... maraming mga tao ang MAS masasaktan kapag nawala ka... masaya ako dahil maraming nagmamahal sa'kin...

Isa pa po masaya na ko sa buhay ko ngayon at normal na ang takbo ng mga bagay-bagay... sa totoo lang hindi ko na sya masyadong naiisip pero hindi ko naman masabi na hindi ko na talaga sya mahal... ang importante sa'kin ngayon ay ang mga KAIBIGAN ko na SOBRANG NAGMAMAHAL sa'kin... isa pa hindi ako mamatay dahil lang sa kanya...sabi nga sa kanta ni Avril "If you don't care well I don't care...".

Tama na nga yan, alam nyo ba na maraming masasayang alaala ang high school namin? Kahit na sobrang pinahihirapan kami ng mga teachers namin eh masaya pa rin ang buhay ng mga actians (IV-1)... Dito ko nakilala yung mga matatawag ko talaga na tunay na kaibigan... marami ring nakakaiyak at nakakatawang moments kami together... pinaka hindi ko talaga makakalimutan nung third year kami kasi sobrang nagkaisa talaga kami nun... Pagtulungan ba naman kasi kami ng ibang sections at nagkampihan silang lahat kahit na wala naman kaming ginawang masama... Dito namin napatunayan na kaya naming harapin lahat ng masasakit na salita at mga paratang basta magkakasama kami... Dedma nga lang yung mga paninira nila samin eh...

Nung fourth year naman sobrang open na kami sa isa't isa at kapatid na ang turing namin sa isa't isa... Natutulog kami sa classroom, nagcu-cut ng sabay-sabay, naghaharutan at nagkakasundo sa mga kabaliwan namin... nakakamiss talaga ang actians...

eto pala ung class pic namin...

Thursday, February 17, 2005

wala lang...

Minsan hindi ko maintindihan ang buhay. Maraming mga bagay na nagyayari na hindi mo inaasahan at maaaring hindi mo gusto pero wala kang magawa para pigilan ito. Ang tanging magagawa mo lamang ay isiping may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.

Dati naniniwala ako na ang mga sugat na nararamdaman mo ay maghihilom sa paglipas ng panahon. Oo, noon, iyon ang pinaniniwalaan ko pero lahat ng bagay nagbabago pati na paniniwala natin lalo na kapag nandoon ka na sa sitwasyong iyon. Mahirap malimutan ang sakit na naidulot ng mga pangyayaring sa umpisa pa lang hindi mo na ginusto. Alam mong hindi dapat pero ayaw papigil ng puso mo. Alam mong masasaktan ka pero wala kang magawa para labanan ang sinasabi ng puso mo. At dahil nga wala kang magawa, makikisakay ka na lang sa agos ng mga pangyayari. Masasaktan ka at yun ang pinakamasaklap na maari mong maramdaman. Parang hindi mo kakayanin ang unti-unting pagkadurog ng puso mo. Sa una parang wala lang pero habang tumatagal mas mararamdaman mo ang pagkawasak ng puso mo at ang hirap nitong tanggapin. Sisisihin mo ang puso mo pero wala ring mangyayari. Siya na rin ang nagsabi na masarap pero masakit ang umibig.

Alam ko na ngayon na hindi madaling kalimutan ang isang taong minahal mo ng lubusan. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng masasakit na alaala at itinira lamang ang masasaya ngunit hindi iyon naging madali. Iniwasan ko ang mga bagay at lugar na makapagpapaalala sa kanya pero ang hirap talaga. Dumating na nga sa punto na gusto ko na lang isipin na hindi ko sya nakilala kahit kailan pero wala pa rin. Isang bagay ang natutunan ko, kapag mahal o minahal mo ang isang tao, hindi na sya mabubura sa isip mo, o kung mabura man sya sa isip mo, mananatili pa rin sya sa puso mo.

Bakit ko nga ba to sinasabi? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Siguro dahil marami na namang bagay ang nagpapaalala sa kanya. Sa loob ng tatlong taon, isang tao pa rin ang nasa puso ko at nahihirapan na ako. Nasira na nga ang pagkakaibigan namin dahil dito pero ayaw pa rin talagang tumigil ng pasaway kong puso. Gusto kong maniwala sa sinabi nya na magkaibigan pa rin kami at walang magbabago pero mahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo nakikita at nararamdaman. Sana nga ganon, sana lang.

“Sabi ko suko na ako. Sabi ko di na kita mahal. Sabi ko malilimutan rin kita. Sabi ko di na kita kailangan. Sabi ko okay na ko. Sabi ko yun… pero hindi yun ang nasa puso ko.”

Thursday, January 06, 2005

i hope it''s you....

malapit na naman ang hearts day! kaso wala pa rin akong lovelife...kasi naman ayaw pang kalimutan ang nakaraan...but there's someone important and special in my life right now...wala na kong masabi sa taong to! he's one of the best things that came into my life last year...hahaha..nakakatawa lang kasi di ko inaasahan na may mafefeel ako for him...anyway, i''d like to share this song from ntwine...

I HOPE IT'S YOU

Are you real or are you a dream
Are you true, or not what it seem
Cause I've been there before
Don't wanna hurt myself no more oh no no

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you

Will you stay, or will you leave
Shall I doubt, or shall I believe
Cause I've been there before
Don't wanna hurt myself no more oh no no

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you

How will I know
If you're gonna be here tomorrow
Tell me baby how can I say
When there's no other way
But to give you my heart, my love
I'm trusting from this time
Baby don't break my heart

Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life
Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
And cares for me
Someone who won't say goodbye
Someone who can change my life

I hope its you, I hope its you

Friday, December 31, 2004

happiest moment in 2004

thank God YE batch 17 is over! grabe akala ko talaga hindi yun matutuloy kasi wala kaming pondo pero napatunayan ko na nothing is impossible with God for He provides. medyo mahirap maging mother of the house pero masaya at sobrang nakakatuwa kapag alam mo na may mga taong kang nadala papalapit kay God. Dec 27-30 yung Youth Encounter at sa loob ng tatlong araw at tatlong gabing yun, mas lalo kong napatunayan na mas masarap kapag maraming nagmamahal sa'yo. Nakakatuwa yung mga participants kasi naghanda pa sila ng isang surprise number para pasalamatan kami. kumanta sila ng kaibigan at salamat...alam ko sobrang pinaghirapan at pinaghandaan nila yun kasi flashlight lang yung ginamit nilang ilaw sa pagsusulat ng lyrics nun dahil pinapatay na namin yung ilaw...sobrang nakakawala nang pagod lalo na't alam mong naappreciate nila yung ginawa namin.

Sobrang saya talaga namin ni kuya Roy (father of the house) nung matapos yun kasi nga ang daming naging problema nung YE na yun...una, wala kaming pondo....nung nakahanap na kami ng mga sponsors para sa food, wala namang confirmed na participants...kaya nung 26 ng gabi nagbigay na kami ng taning na hanggang 12 noon ng 27, kelangan makakuha kami ng at least 15 participants kaya ayun gabi na rin kami nakauwi at inumaga pa nga yung iba para lang matuloy yung YE...at 8 pm ng 27, nagulat kami kasi 15 participants na yung nandun sa prince n princess kaya nagstart na kami ng session....by 12 mn... mas lalo kaming nagulat dahil meron na kaming 25 participants all in all...unfortunately, 2 yung hindi nakatapos ng encounter kasi yung isa tumakas nung madaling araw ng 27 at yung isa ay umuwi pero ok lang inisip na lang namin na hindi pa ngayon yung time para ma-experience nila yung YE...at yung remaining 23 participants ay alam kong naging masaya din at marami silang natutunan at alam kong hindi nila malilimutan tong encounter nila with God kasi yun din yung naramdaman ko nung nag-YE ako...batch 15.

sobrang laki talaga ng pagpapasalamat ko sa lahat ng tumulong samin para maging successful yung YE...totoo yung sinabi ni JC sa'kin na "God will make a way". Nagpapasalamat talaga ako sa mga faci namin na nagbigay nang mga sessions...sina ate erlyn, ate juvy, kuya benny, kuya obet, kuya allan, kuya edward, kuya voltaire, kuya anton at kuya lino...ganun din sa staff na kahit walang tulog eh tumutulong pa rin...sina j-mar, ben, kuye emman, kuya bodjie, arvy, princess, ruth, dhen, ifher, claire, ghala, otan, mark at yung iba pa...lalo na pala kay nhong na nagbudget ng pera at kay jc na tumulong sakin para sa liturgy...salamat talaga sa kanilang lahat pati na dun sa di ko nabanggit...

this year, 2005, promise ko kay Lord na tutulong pa ko para mas dumami pa yung mga madala namin palapit sa kanya at patuloy pa rin akong magseserve sa kanya kasi dun ko nararamdaman yung true happiness...

YE motto: "No love, no friendship, can ever cross our paths, without affecting us in some ways.....forever."

Saturday, December 25, 2004

Happy this Christmas!

Merry Christmas! I'm so happy today! Kagabi pa lang sobrang saya na sa 9 pm mass kasi nandun ung mga friends ko at crushes na rin at syempre kasama ko ung family ko. Ang daming nangyayari sa bakasyon na to...ngaragan sa YE at projects sa school pero masaya at enjoy pa rin kasi kadamay ang mga friends...actually nami-miss ko yung mga friends ko lalo na yung di man lang nagpaparamdam...hehehe..nagdadrama lang... cge next time ulit!

Monday, August 30, 2004

haaayyyy....

Salamat talaga at natapos na rin ang performance test namin sa pe.
last thurs since walang pasok dahil bumabagyo nagkita-kita kaming magkakabarkada...nakakatuwa nga kasi sobrang na-miss namin ang isa't isa...ang dami ko ngang natutunang bago sa kanila at syempre mga chismax tungkol sa aming mga actians...syempre kinwento nila ung nagyari sa reunion at grabe yung iba sa kanila hindi pa rin nagbabago medyo may pagka-mahangin pa rin...ung iba naman masyadong tinatamaan sa mga e-mail na hindi naman sila ang pinatutungkulan...haaayyyy...pero 1 thing for sure nami-miss namin ang isa't isa lalo na ang mga rush hours at puyatan dahil sa hirap ng buhay sa rhs....
1 thing na napatunayan ko sa sarili ko nung saturday...mahirap kalimutan ang isang taong malaki ang naging parte sa buhay mo at minahal mo talaga...sa mga makakabasa nito alam ko di lahat maiintindihan kung ano gusto kong sabihin...basta sobrang hindi ko in-expect na ganun ung mararamdaman ko nung nag-usap kami ni MD.napatunayan kong mali lahat ng akala ko...ung tungkol naman kay Red hindi ko maintindihan basta alam ko masya ako pag nakakasama ko sya....
haaayyyy...buhay nga naman ang saya! maraming karanasan na hindi mo makakalimutan at maraming tao na mahirap talagang talikuran...totoo nga yung YE motto namin na "No love, no friendship...can ever cross our paths without affecting us in some ways...forever." :)

Wednesday, August 25, 2004

i miss the actians!

Nami-miss ko na talaga ang mga cute na actians... grabe lakas ng ulan ngayon at wala akong magawa kaya nag-online na lang ako...nakakatuwa naman at naka-online din ang barkada ko kaya masaya. at least kaya sa cyberspace eh nakakapag-usap kami. (parang free writing tong ginagawa ko ah).
anyway, masaya ang life lalo na kapag madami kang friends. may kakulitan parang c dian na ka-chat ko ngayon. dapat magrereview ako ngayon eh para pumasa ko sa exam sa nstp at math pero mamaya na lang kasi sa sat. pa naman un eh. tamad ko talaga..wala na ko masabi next time na lang ulit.:)

Monday, August 23, 2004

life is so happy!

Grabe ang saya-saya talaga ng life! Kahit na medyo marami akong pinoproblemang mga bagay e nakakatuwa pa rin ang mga nangyayari sakin.
Kahapon sobrang saya ng field trip namin sa bulacan (ako masaya talaga pero di ko alam kung ganon din ung iba kong classmate). Actually, hanggang ngayon medyo masakit pa rin ung katawan ko pano ba naman nadulas ako sa putikan. Nung pumasok kasi kami sa santol cave sa biak na bato e madulas at maputik dahil umulan nung nakaraang gabi. Tapos un nung naglalakad na kami papasok nadulas ako sa may tubig. Talagang napaupo ako pero tawa pa rin ako ng tawa (ag tanga ko kasi nadulas ako). Buti na lang tinulungan ako ni Karlo na tumayo dun sa putikan at buti walang masyadong nakakita nun kundi nakakahiya talaga. Pero kahit na ganon at putik-putik ako paglabas e sobrang saya pa rin kasi achievement yun ha. Tapos yun naligo na kami sa ilog dun. Nung una ang lamig nung tubig pero ok lang masaya pa rin ako.Basta Aug.22 ay isang napaka-memorable na araw sa aking college life.
Ngayon naman masaya ako kasi kanina nakasabay ko sa dyip ung bestfriend kong si Rafael. Nagulat nga ako e kasi nung nasa Rotonda na ko tinawag nya ko tapos sumakay na ko dun sa jeep na sinasakyan nya. Grabe na-miss ko talaga sya! Pero natutuwa nga ako sa kanya kasi nung high school kami di sya tumatawag sa bahay (kasi siguro araw-araw naman kami nagkikita) pero ngayon madalas na syang tumatawag at pag kami magkausap ang tagal kasi yun ang dami-daming kwento. Nakakatuwa nga kasi naalala ko kung pano kami naging mag-bestfriend e feeling ko nga accidental lang na naging close kami nung 2nd year e. Medyo nagsisisi nga ako kasi di ako nagpunta sa get together ng actians nung saturday pero masaya na ko na nakita ko ulit yung bestfriend after nung b-day ko.
Lastly, kaya ako masaya kasi feeling ko nahanap ko na ung taong tutulong sakin para makalimutan ko na rin si MD. Pano ba naman magtatatlong taon na di ko pa rin sya nakakalimutan. Pero ngayon masaya ako kasi medyo nakakalimutan ko na sya dahil sa isang taong sobrang importante sa buhay ko ngayon si Red (???) pero di ko pa rin sigurado kasi di ko alam kung gusto ko na sya eh pero at least dahil sa kanya hindi ko naiisip si MD. Wish ko lag sya na nga yun!

Tuesday, August 03, 2004

bad trip na pe!!!!!!!!!!!!!!

Hay naku, bad trip talaga si prof sa pe....napaka-fair daw ng weather kaya pinag-jogging nya kami sa labas tapos yun biglang umulan nabasa tuloy kami...pero ok lang din kasi may masaya kong nabasa sa e-mail....